^

Probinsiya

3 nilamon ng Taal Lake

-

BATANGAS  – Nauwi sa kamatayan ang pakiki­pami­yesta ng tatlong ka­babaihan makaraang ma­lunod nang tumaob ang sinasakyang banka sa lawa ng Taal sa ba­yan ng Talisay, Batangas habang nasa kasagsagan ng bagyong Mina noong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Josie Rabor, Meann Hernandez, kapwa resi­dente ng Barangay Ambu­long, Tanauan  City at si Helen Her­nandez ng Mal­var, Ba­tangas. 

Ayon sa ulat na isinu­mite kay P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, naganap ang trahedya bandang alas-7 ng gabi matapos dumalo sa piyesta ng Ba­rangay Bignay ang mga biktima na kabilang sa 39-katao na sakay ng dala­wang bangka.

Nakilala naman ang da­lawang may-ari ng bankang paupahan na Aljin at Boat 409 na sina ex-Brgy. Chairman Virgilio Tenorio at Jun Arboleda.

Napag-alamang nagla­layag na ang mga biktima patungo ng Barangay Sta. Maria sa Talisay nang ham­pasin ng malalakas na alon at hangin hanggang sa tu­maob ang kanilang sina­sak­yang bangka sa gitna ng Taal Lake.

Habang isinusulat ang balitang ito, sa 39 na sakay ng dalawang bangka, 30 na ang nailigtas ng mga rescue team, anim pa ang na­wawala at tatlo ang naiulat na na­matay.

Patuloy pa rin ang pag­ha­hanap sa mga nawa­walang biktima matapos humingi ng ayuda ang local na pamaha­laan sa Philippine Coast Guard para sisirin ang lawa ng Taal.

Ang Batangas ay kabi­lang sa talaan na signal #1 ng PAGASA bunga ng pagbaba­lik ng bagyong “Lando”.

ANG BATANGAS

BARANGAY AMBU

BARANGAY STA

BATANGAS

CHAIRMAN VIRGILIO TENORIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with