^

Probinsiya

2 bata sinaniban ng patay

-

CAMP AGUINALDO – Pinaniniwalaang sinaniban ng espiritu ng patay ang magkaibigang estudyante sa elementarya  sa bayan ng Panit-an, Capiz, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa ulat, lumilitaw na hindi matahimik ang kaluluwa ng binatilyo na nagpakilalang  si Anthony Bartolo ay sumanib sa ka­tawan ng dalawang batang babae na kapwa nagka­kaedad ng 10-anyos.

Napag-alamang unang sinaniban ng kaluluwa ni Bartolo ang  biktimang itinago sa pangalang  Rizza at isinunod naman si Anna na diumano’y crush ng nagpatiwakal na binatilyo.

Nabatid na dakong alas-5 ng hapon habang pauwi na ang mga bata mula sa eskuwelahan nang umihip ang malakas na hangin at kasunod nito ay halos umangat ang mga paa sa lupa ng dalawa kung saan nagpakilala ang mga itong ang namatay na si Bartolo na labis na ikinatakot ng mga mag-aaral at kuma­ripas ng takbo.

Sa pagsanib ng binatilyo sa katawan ng dalawang batang babae ay ipina­hayag nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang kaniyang kaluluwa na patuloy na naglalakbay dahil sa ka­pabayaan ng kaniyang pamilya.

Hinimatay pa ang dala­wang bata na sinapian ng kaluluwa ni Bartolo ma­tapos ang insidente.

Bunga nito, ay nagpa­dasal ang pamilya ng da­lawang bata sa puntod ni Bartolo para sa ikatata­himik ng kaluluwa ng bina­tilyo. Joy Cantos

ANTHONY BARTOLO

AYON

BARTOLO

BUNGA

CAPIZ

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with