^

Probinsiya

Bata, yaya natupok

-

QUEZON – Magkasa­mang kinarit ni kamatayan ang isang 12-anyos na batang babae at kanyang yaya makaraang sunugin ng mga boy na nagnakaw sa bakery na kanilang pinagtatrabahuhan, sa Barangay Poblacion, Can­de­laria, Quezon noong Sa­bado ng gabi.

Halos hindi na makilala dahil sa pagkasunog ang mga biktimang sina San­suan Sandoval at Clarise Obcemea, 17, ng Sariaya, Quezon.

Sugatan naman si Jacel Saquit, 18, isang bakery helper at ngayon ay nasa Peter Paul Hospital.

Ayon kay P/Senior Supt. Hernando Zafra, Quezon police director, naaresto naman ang isa sa suspek na nagsilbing lookout na si Elmer Llamanzares habang patuloy naman tinutugis ang dalawang suspek na sina Marlito Palma at Marlon Carandang, kapwa trabahador sa Sandoval Bakery at pawang mga kasapi ng Akhro Fraternity.

Sa salaysay ng isa sa suspek sa himpilan ng pu­lisya, dakong alas-10:45 ng gabi ng pasukin nila ang panaderya at nilimas ang hindi pa binanggit na halaga ng pera saka nag­hanap ng gasolina at sinu­nog ang kabuuan ng bakery.

Bandang ala-una y me­dya nang ideklarang under control ang sunog matapos sumaklolo ang mga bum­bero sa kalapit bayan ng Tiaong, San Pablo, Sariaya at Dolores.

Binanggit sa ulat ng pulisya na nasa Maynila ang mag-asawang Andres at Susan Sandoval na may-ari ng establisyemento nang isagawa ng mga sus­pek ang panloloob at pagsunog na pinanini­walaang aabot sa P2.5 milyong ari-arian ang na­abo. (Tony Sandoval at Arnell Ozaeta)

vuukle comment

AKHRO FRATERNITY

ARNELL OZAETA

BARANGAY POBLACION

CLARISE OBCEMEA

ELMER LLAMANZARES

QUEZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with