^

Probinsiya

Shootout: 2 kawatan utas

-

CAMP OLIVAS, Pampanga – Dalawa-katao na pinaniniw­alaang miyembro ng notoryus na  Akyat-Bahay Gang ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang naaresto makaraang makipagbarilan sa mga ru­mespondeng pulis sa Barangay San Antonio, Flori­dablanca, Pampanga noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Nolasco “Noly” Cruz, 40 at Edgardo “Bong”  Reyes, 33, kapwa residente ng Barangay San Jose, Angeles city. Ayon kay P/Senior Supt. Keith Singian, provincial police director, pormal naman kinasuhan habang nakapiit ang mga suspek na sina Gerry Javier, 28; Romeo Tustan, 33; at si Aries Reyes, 26.

Base sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay nanloob sa bahay ni Emmanuel Vitug subalit kaagad naman naipagbigay-alam sa pulisya. Habang papatakas ang mga suspek ay nakipagbarilan sa mga rumespondeng pulis na ikinasawi ng dalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang baril,  mga bala ng baril, kulay itim na kotseng Masda (WGD-857), dalawang celfone, bolt cutter, crow bar, tear gas at iba pang plaka na ginagamit sa kanilang modus operandi. (Resty Salvador at Ric Sapnu)

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

ARIES REYES

BARANGAY SAN JOSE

EMMANUEL VITUG

GERRY JAVIER

KEITH SINGIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with