^

Probinsiya

P5M ari-arian naabo

-

MALOLOS CITY, Bulacan – Aabot sa P5 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy ma­karaang masunog ang pabrika ng Styrofoam sa Barangay Iba, Mey­cauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Ayon sa pulisya, tu­magal ng tatlong oras bago pa maapula ang apoy na pinanini­wa­laang nagmula sa talop na linya ng kuryente na napadikit sa salan­san ng papel. Wala naman ini­ulat na na­sawi o na­su­gatan sa na­ganap na su­nog. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para kum­pir­mahin ang pinag­mulan ng apoy. Dino Balabo

Estudyante dedo sa ligaw na bala

LUCENA CITY  – Napaaga ang salubong ni kama­tayan sa isang Nursing student matapos na masapol ng  ligaw na bala habang nanonood ng mga paputok sa birthday party ng kanyang kaibigan sa Purok Baybayin, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon, kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa MMG Hospital ang biktimang si Kevin Ojeda, 17, ng Barangay Cotta na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang dibdib. Ayon kay PO2 Aldin Evangelista, bumisita ang biktima sa kanyang kaibi­gan sa Zabala apartment upang makisaya sa nagdiwang ng birthday. Habang masayang nanonood ng fireworks display sa labas ng bahay ay biglang napaupo ang biktma at nang suriin ng ilang kaibigan nito ay natuklasan may dugo sa dibdib. Inaalam ng pulisya kung ang biktima ay patraydor na binaril o tinamaan ng ligaw na bala. Tony Sandoval

Brgy. chairman pinabulagta

Kidapawan City – Tinambangan at napatay ang isang barangay chairman habang kritikal naman ang isa pang barangay kagawad sa naganap na pana­nambang ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa bayan ng Sultan Mastura sa Shariff Kabungsuwan noong Huwe­bes ang umaga, Kinilala ng 6th Infantry Division ng Phil. Army, ang nasawi na si Chairman Akmad Abdulla ng Barangay Sinditan sa bayan ng Sultan Mastura, Shariff Kabungsuwan, habang sugatan naman si  Barangay Kagawad Monib Ali. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, papauwi na ang dalawa sakay ng motorsiklo mula sa lokal na opisina ng Comelec nang harangin at ratratin ng mga armadong kalalakihan. May teorya ang mga awtoridad, na may kinalaman sa pulitika ang insi­dente. Kabilang ang bayan ng Sultan Mastura sa Shariff Kabungsuwan sa ARMM na itinuturing na ‘areas of im­mediate concern’ ng mga awtoridad, PNP. - Malu Manar

Nene ni-rape ng kandidato

DARAGA, Albay – Maagang napariwara ang kinabu­kasan ng isang 13-anyos na batang babae makaraang halayin ng isang kandidato sa pagka-barangay chairman sa Barangay San Ramon, Daraga, Albay may ilang linggo na ang nakalipas. Nadiskubre ang krimen matapos na ikuwento ng suspek na si Domingo Mallapre, 50, sa ama ng biktima habang kapwa nag-iinuman ng alak sa naturang lugar. Dahil sa pagkabigla ay agad na sinuntok ng ama ng biktima ang suspek at ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente. Ayon sa pulisya, ipinagtapat ng biktima na hinalay siya ng suspek na kumpare ng kanyang ama na nagbantang sasaktan kapag ipinaabot sa mga awtoridad ang pangyayari. Pormal naman kakasuhan ang suspek habang hinihintay ang warrant of arrest mula sa korte. Ed Casulla

AYON

BARANGAY

PLACE

SHARIFF KABUNGSUWAN

SHY

SULTAN MASTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with