^

Probinsiya

P1.23-B shabu nasabat

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Aabot sa 246 kilong high grade shabu na may street value na P1.23 bilyon ang nasabat maka­ra­ang maaksidente ang isang van sa South Luzon Express­way na sakop ng Barangay Prinza, Calamba City, Laguna kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Chief Supt. Perfecto Palad, hepe ng Traffic Management Group (TMG), napansin ng kanyang mga tauhang nagbabantay sa checkpoint  sa may north­bound ng Calamba City toll gate, ang isang Toyota Hi-Ace van (WHE-567) at Toyota Revo na naghaha­bulan bandang alas-10:30 ng umaga

Kaagad namang hinabol ng mga tauhan ni Palad, ang dalawang sasakyan hang­gang sa makarating sila sa may Barangay Prinza at ma­tagpuan ang nakataob na Toyota hi-ace van sa gilid ng nabanggit na lugar.

 “Sinubukan pang habulin ng TMG ang Toyota Revo, pero hindi na nila inabutan,” pahayag ni Palad sa PSN.

Pagbalik sa pinang­ya­rihan ng aksidente, doon nila nadiskubre ang 25-sako ng high grade shabu sa loob ng van.

Sa isinagawang record check ng TMG sa Land Trans­portation Office, nadis­kubre nila na nakarehistro ang van sa isang Dante Litada ng Barangay Butuan sa bayan ng San Fernando, Masbate.

 “Malaki ang paniniwala namin na nagmula sa Mas­bate ang shabu para dalhin sa Metro Manila nang ma­aksidente sa Laguna kung saan nakatakas ang dala­wang sakay nito,” dagdag pa ni Palad.

Kasalukuyang binebe­ripika si Litada sa Masbate para linawin kung ano ang kinalaman nito sa mga na­samsam na bilyong halaga ng shabu.

Ayon naman kay P/Supt. Mark Edison Belarma, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (Region 4-A), notoryus ang Barangay Bu­tuan sa Masbate na source ng shabu dahil sinalakay na nila ito noong 2002. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

 

 

BARANGAY PRINZA

CALAMBA CITY

MASBATE

PALAD

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with