76 sugarol nasakote
CAMP CRAME — Umaabot sa 76 sugarol ang iniulat na nasakote ng Anti-Gambling Task Force at ng lokal na pulisya sa isinagawang serye ng pagsalakay sa mga bahay-sugalan sa Baguio City, ayon sa ulat kahapon. Sa report, kabilang sa sinalakay at naipasara ay ang mini-casino sa ikalawang palapag ng dating Garder Theater sa kahabaan ng
Mister nag-amok sa selos
COTABATO CITY — Isang sibilyan ang kumpirmadong napatay habang dalawa naman ang nasugatan matapos mag-amok ang isang mister dahil sa matinding selos sa sariling misis sa Barangay Dinaig sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Shariff Kabungsuwan, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ni P/Senior Insp. Fatima Malao, hepe ng Datu Odin Sinsuat PNP, ang napatay na si Amir Kusain. Sumuko naman ang suspek na si Guiamel Kiram, matapos na maubusan ng bala sa pakikipagbarilan sa mga rumespondeng pulis. Si Kusain ay inakusahan ng suspek na kalaguyo ng kanyang misis kaya niya binaril ng shotgun. Di pa nakuntento ang suspek ay pinagtataga pa nito ang kanyang bayaw, tiyuhin at hinostage pa ang sariling ina na si Asha Kiram, kapatid na si Sahara Maulana at dalawang pamangkin na menor-de-edad. Nang sumuko ay halos ’di-na makausap nang matino ang suspect na pinaniniwalaang lango sa bawal na gamot. Malu Manar
Ispiya ng AFP dinedo sa gulpi
LEGAZPI CITY — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 26-anyos na lalaki na pinaniniwalaang espiya ng militar matapos na dukutin at pahirapan ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Sallapadan, Albay noong Miyerkules ng hapon. Ang bangkay ng biktima na natagpuan ng ilang magsasaka na inabandona sa bahagi ng nabanggit na bayan ay nakilalang si Ulysis Dapat. Sa ulat, ang biktima ay napaulat na may dalawang araw nang nawawala at ayon sa mga kaanak ay tinangay ng mga rebelde mula sa kubo nito saka dinala patungo sa katimugang direksyon ng nasabing lugar. Lumilitaw sa imbestigasyon na pinaluhod ng mga rebelde ang biktima saka dinos-por-dos sa leeg at likurang bahagi ng ulo kaya namatay. May teorya naman ang pulisya na inakusahan ng mga rebelde na pagbibigay ng impormasyon ang biktima sa tropa ng militar hinggil sa aktibidades ng mga mangingikil na rebelde. Ed Casulla
Trike bumaliktad, 14 sugatan
CAMP CRAME — Labing-apat na estudyante mula sa Bannawag Integrated School ang nasugatan matapos na bumaliktad ang traysikel na kanilang sinasakyan sa pakurbadang highway sa bayan ng Diffun, Quirino, ayon sa ulat kahapon. Sa report, pito sa mga biktima kabilang sina Reynaldo Alviar, Aileen Cabatbat at Andie Facun ay naisugod sa iba’t ibang ospital. Naitala ang sakuna kamakalawa bandang alas-6 ng umaga habang ang mga estudyante ay lulan ng traysikel na pinaniniwalaang overloading kaya bumaliktad ng traysikel pagsapit sa pakurbadang daang-bayan. Matapos ang sakuna, karamihan sa mga biktima ay nahilo at nagsuka. Joy Cantos
- Latest
- Trending