TV exec bumubuti ang lagay
Bumubuti na ang kondisyon ng inambus at nasugatang Regional GMA-7 network Bacolod Station Manager na naka-confine sa isang ospital sa Bacolod City sa Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.
Ang biktimang si Ferdinand ‘Bambi “ Yngzon ay patuloy na ginagamot sa Riverside Medical Center sa lungsod sa tinamong mga tama ng bala sa tiyan at dibdib.
Sa ulat ng Bacolod City Police, kukunan nila ng testimonya si Yngzon upang mapagtibay ang kasong frustrated murder laban sa naarestong suspect na si Romeo Corbo.
Nabatid na si Corbo, isang deputized agent ng Land Transportation Office na nakabase sa siyudad ay isinailalim sa kustodya ng pulisya matapos itong maaresto habang tumatakas pagkaraang pagbabarilin ng shotgun ang biktima sa palengke ng Sagay City, Negros Occidental noong Miyerkules. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending