^

Probinsiya

Training officer ng NPA, sumuko

-

ROSARIO, Agusan del Sur – Mapayapang sumuko ang isang 25-anyos na politico-military training officer ng New People’s Army na nakabase sa Caraga-Com­postela Valley kina Col. Jose Vizcarra ng 401st Infantry Brigade ng Philippine Army at Col. Joel Madarang, commanding officer of the 36th Infantry Battalion noong Miyerkules ng gabi sa bayan ng Rosario,  Agusan del Sur.

Sa tulong nina Rose Ta­mayo-Tesoro, PSN reporter at dating PNP-PDEA official ret. P/Senior Supt. Ro­lando Abotay, boluntar­yong su­muko ni Susan “Esai” Cloma, sa dalawang nabanggit na opisyal ng Phil. Army sa nasabing bayan.

Napag-alamang si Cloma na residente ng Barangay Sta. Maria sa bayan ng Trento, Agusan del Sur ay su­ mapi sa underground movement noong siya ay 17-anyos pa lamang at 1st  year college sa MATS sa Davao City

 “I quit and leave my NPA comrades peacefully as I formally asked them that I want to live in peace and seek job to earn a living for my family,” naiiyak na pahayag ni Cloma.

Pormal na tumiwalag si Cloma sa samahan noong nakalipas na taon at nag-asylum sa Davao City para makapaghanap ng disen­teng trabaho hanggang sa magdesisyon siyang su­muko sa pamahalaan sa pakikipag-ugnayan kina  Abotay at Tesoro. Nagbigay ng mensahe si Cloma sa pamahalaan na tugunan ang mga panganga­ilangan ng maralitang pa­milya sa ka­bundukan.  (Ben Serrano)

ABOTAY

AGUSAN

BARANGAY STA

BEN SERRANO

CLOMA

DAVAO CITY

INFANTRY BATTALION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with