^

Probinsiya

Barangay councilor itinumba

-
DAVAO CITY – Ilang oras matapos magdaan ang peace covenant ng mga lokal na kandidato sa bayan ng Monkayo sa Compostela Valley ay pinagbabaril naman ang isang konsehal ng barangay ng dalawang ’di-kilalang kalalakihang sakay ng motorsiklo sa Barangay Bangkeruhan Norte kahapon ng umaga.

Ang biktimang si Nardito Ongcal, 46, na tumatayong coordinator ni re-electionist Rep. Manuel Zamora ay idineklarang patay sa Davao Regional Hospital sa Tagum City.

Nabatid na ang peace covenant para sa May 14 elections ay nilagdaan nina Rep. Zamora at ang kalaban sa congressional race na si Lito Brillantes; Mt. Diwalwal Barangay Chairman Franco Tito at ang ilang kandidato sa iba’t ibang posisyon.

Kabilang sa krimen na election-related violence incidents (ERVIs) sa Monkayo ay ang naganap na pananambang sa mga barangay chairmen kung saan namatay ang isang kabesa habang sugatan naman ang isa.

Naniniwala naman ang mga residente sa nabanggit na bayan na agawan sa pag-control ng mining industry ang pangunahing dahilan kaya nag-aagawan sa puwesto ang mga kandidato.

Ayon sa ulat, ang minahan ng ginto sa Mt. Diwalwal ay kinokonsiderang pinakamalaking diposito ng ginto sa buong bansa. (Edith Regalado)

vuukle comment

BARANGAY BANGKERUHAN NORTE

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO REGIONAL HOSPITAL

EDITH REGALADO

LITO BRILLANTES

MANUEL ZAMORA

MONKAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with