^

Probinsiya

Aide ng House bet itinumba

-
CAMP CRAME — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tumatayong aide/driver ng isang congressional bet sa Campostella Valley makaraang pasukin ng mga di-kilalang kalalakihan ang bahay ng biktima sa Sitio Loboton, Monkayo sa Compostella Valley kamakalawa. Kinilala ang nasawing biktima na si Joven Lanoy, personal na alalay ni Campostela Valley congressional bet Joselito Brillantes. Ayon kay P/Chief Supt. Andres Caro II, police regional director, ito ang unang karahasan naganap sa nasabing lugar na posibleng may kinalaman sa pulitika. Si Brillantes ay nasa ilalim ng Liberal Party laban kina incumbent Rep. Manuel "Way Kurat" Zamora (Lakas-CMD) at independent candidate Francisco Tito. (Edwin Balasa)
3 suporter ng kandidato ginulpi
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Posibleng masibak sa puwesto ang isang opisyal ng pulisya makaraang manutok ng baril at ipagulpi sa kanyang alalay ang tatlong tagasuporta ng isang mayoralty bet na nagdidikit ng poster sa pader sa Barangay Balocawe sa bayan ng Dimasalang, Masbate kamakalawa ng hapon. Ang mga biktimang nagtamo ng mga pasa sa katawan ay nakilalang sina Ulyssess Cebu, 28; Reynante Alacador, 26; at si Ronnie Cana, 25, pawang tagasuporta ng kandidatong si Zaida Rivas (Kampi). Hindi naman mahagilap para kunan ng kanilang panig ang mga suspek na sina P/Supt. Jeremias Sanchez at Jerry "Liloy" Canale. Base sa ulat ng pulisya, maaktuhan ng police officer ang mga biktima na nagididikti ng poster sa pader kaya tinutukan nito ng baril at inutusan si Canale na gulpihin ang tatlo. (Ed Casulla)
74-anyos na panday sinunog
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 74-anyos na panday makaraang mapasama sa kanyang bahay na sinunog ang mga ’di-kilalang armadong kalalakihan sa Barangay Pinamogha-an, San Fernando, Masbate kamakalawa ng gabi. Nagmistulang uling ang katawan ni Domingo Cantre matapos na masunog habang natutulog sa loob ng sariling tahanan. Napag-alamang namataan ng ilang kapitbahay na binuhusan ng gasolina ang bahay ang biktima bago sinilaban. Wala naman magawa ang mga kapitbahay para pigilan sa takot na madamay sa insidente. Wala naman masilip na motibo ang mga awtoridad sa pamamaslang sa matanda na malawak ang pag-aaring lupain na naiwan. (Ed Casulla)
Pulis dinedo dahil sa basketball
CAVITE — Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang pulis-Las Piñas City ng apat na sibilyan dahil lamang sa larong basketball sa Barangay Queensrow East sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si SPO4 Danilo Pua, 43 ng #1 Daffodil Street, Bon-air Hometown Subd. ng nabanggit na barangay. Isa sa mga suspek na si Lea Ferraren, 39, ay nasakote ng pulisya, habang tugis naman sina Julian Albert, 18; Christoper, 21; at si Edwin Coronado, 43, ka-live-in ni Lea. Ayon kay SPO1 Dante Ordono, bago maganap ang pamamaslang ay kinompronta ng mga suspek ang biktima dahil lamang sa larong basketball. Napag-alamang tinagay pa ng mga suspek ang service firearm ng biktima bago tumakas sakay ng kotseng may plakang TGW-966. (Cristina Timbang)

ANDRES CARO

AYON

BARANGAY BALOCAWE

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with