^

Probinsiya

Lider militante dinukot sa Cavite

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang 61-anyos na militanteng lider ang iniulat na dinukot ng mga ’di kilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Sta. Cruz, Dasmariñas, Cavite noong Martes ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Fidel Posadas, Cavite police director, ang kinidnap na biktimang si Lourdes Rubrico, alyas Nanay Ode ng Barangay San Nicolas, Dasmariñas, Cavite at tumatayong presidente ng Umaga Federation sa ilalim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng hapon habang nagbabasa ng Pasyon si Rubrico nang lapitan at kaladkarin ng anim na armadong kalalakihan saka isinakay sa kulay brown na van na may plakang XRR-428.

Sa ginawang record check ng PSN sa Land Transportation Office, napag-alaman na ang plakang XRR-428 ay nakarehistro sa isang kulay puting Mitsubishi L-300 van na pag-aari ng AK Cottage Industry sa Parañaque City.

Sinisilip pa rin nina Col. Posadas, ang awayan sa lupa na posibleng motibo ng pagdukot sa lider militante.

"Maaring may nagka-onsehan sa bentahan ng lupa, pero iniimbestigahan pa namin kung sino ang biktima at ang nambiktima dito," pahayag ni Posadas. Mariin namang kinundena ni Arman Arbarillo, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog, ang Armed Forces of the Philippines na itinuturong may kinalaman sa insidente.

"Kilalang kritiko si Nanay Ode sa pamahalaan pagdating sa usaping panglupa kaya posibleng pinatatahimik ito," dagdag pa ni Arbarillo

Nagsasagawa na rin ng follow-up operations ang mga pulis-Cavite para hanapin ang nawawalang biktima. (Arnell Ozaeta at may dagdag ulat ni Edwin Balasa)

ARMAN ARBARILLO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARNELL OZAETA

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN-SOUTHERN TAGALOG

BARANGAY SAN NICOLAS

BARANGAY STA

CAVITE

NANAY ODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with