^

Probinsiya

Ni-rape ng ka-txtmate na Kano

-
CAMP CRAME – Tugis ng pulisya ang isang Kanong lalaki matapos na ireklamo ng panggagahasa ng isang 25-anyos na biyuda kamakalawa sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Stringer ng Lower Tambo District, Cagayan De Oro City.

Si Stringer ay inireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Lizel, residente rin ng naturang lalawigan.

Ayon sa reklamo, naganap ang krimen sa bahay ng suspek noong nakalipas na Linggo ng Marso 4.

Sinabi ng biktima na nakilala nito ang suspek sa isang fastfood may ilang buwan na ang nakalipas at naging textmate nito hanggang sa magkalapit sa isa’t isa.

Napag-alamang nagkasundo ang dalawa na lalabas at sinundo naman ng suspek ang biktima sa Gaston Park saka nagtungo sa tahanan ng Kano.

Pagsapit sa bahay ay magkasalo sa hapunan ang dalawa, subalit ilang minuto matapos na uminom ng tubig ang babae ay nakaramdam ito ng pagkahilo at nang mga sumunod na sandali ay ipinagtulakan siya ng suspek sa banyo, sapilitang hinubaran at ginahasa.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa kabayanan kung saan siya parang baboy na inilabas ng sasakyan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

CAGAYAN DE ORO CITY

EDWIN BALASA

GASTON PARK

JOHN STRINGER

LOWER TAMBO DISTRICT

ORO CITY

SI STRINGER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with