^

Probinsiya

Militanteng lider na naman tinodas

-
CAMP CRAME — Isa na namang lider ng militanteng grupo ang iniulat na pinaslang matapos itong pagbabarilin habang papauwi noong Sabado malapit sa kampo ng Phil. Army sa bayan ng Salay, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima ng napatay na si Siche Gandinao, 56, lider ng Misamis Oriental Farmers Association at hipag ng isa pang pinaslang na lider ng nasabing asosasyon na si Dalmacio Gandinao.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pauwi na si Gandiano nang harangin at isagawa ang pamamaslang ng nag-iisang lalaki na sakay ng motorsiklo may ilang metro lamang ang layo sa 9th Infantry Brigade ng Phil. Army sa Brgy. Guinlaban sa bayang nabaÿÿÿnggit.

Samantala, ayon kay Carl Ala, tagapagsalita ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas sa ilalim ng grupong Bayan Muna, may ilang residente sa nabanggit na barangay na namataan ang motorsiklong ginamit sa krimen na nakÿaparada sa loob ng nasabing detachment ng Phil. Army.

Nabatid na ang biktima ay hipag ng lider ng Kilusang magbubukid ng Pilipinas, Misamis Oriental chapter na pinaslang noong Pebrero 8 sa nasabing bayan.

Kasunod nito, inirekomenda ni Task Force USIG commander P/Chief Supt. Geary Barias, ang agarang pagsibak sa puwesto bilang hepe ng pulisya sa Salay City na si P/Insp. Joserico Dayo kaugnay ng pagkakapaslang ng isa na namang Militante.

Ayon kay Barias, ang rekomendasyon ay bunsod na rin ng kawalan ng aksyon ng opisyal sa magkasunod na insidente ng pagpaslang sa mga militante. (Edwin Balasa)

BAYAN MUNA

CAMP CRAME

CARL ALA

CHIEF SUPT

DALMACIO GANDINAO

EDWIN BALASA

GEARY BARIAS

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with