^

Probinsiya

‘Political harassment’ sa suspension ni Atienza

-
OLONGAPO CITY – Malinaw na political harassment ang pagkakasuspinde ng Malacañang laban kay Olongapo City Councilor Atty. Noel Atienza na maruming stratehiya ng pulitika sa nabanggit na lungsod.

Ito ang tahasang pahayag kahapon ni Councilor Atienza matapos na matanggap kahapon ang desisyon ng Malacañang na 6-buwan suspensyon na nilagdaan ni Executive Secretary Eduardo Ermita na unang inirekomenda ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Base sa imbestigasyon ng DILG na reklamo ng isang kawani noong Nobyembre 11, 2004, lumabag si Atienza sa Section 4 ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) kaya nagpalabas ng suspension order na may Petsang Enero 8, 2007 ang Malacañang.

Naunang pinabulaanan ni Atienza, na ang akusasyon laban sa kanya ay para siraan ang integridad at kredibilidad nito at ginamit lamang anya ang nag-aakusa sa kanya ng mga kilalang kaaway sa pulitika.

"Alam kong ginamit lang siya ng mga kalaban ko sa pulitika dahil alam nilang kritikal ako sa kanila, ginagawa na nila ang lahat para siraan ako lalo na’t nalalapit na ang halalan, it’s a mere political harassment," dagdag pa ni Atienza. (Jeff Tombado)

ATIENZA

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

COUNCILOR ATIENZA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

JEFF TOMBADO

MALACA

NOEL ATIENZA

OLONGAPO CITY COUNCILOR ATTY

PETSANG ENERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with