5 karnaper arestado sa Laguna
January 18, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Limang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato na sumisikwat ng mga sasakyan ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation ng Regional Special Operations Group (RSOG) -Region 4 sa bayan ng Cabuyao kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. James Brillantes, hepe ng RSOG, ang mga suspek na sina Alfred Alinsunurin, 31, ng Barangay San Cristobal; Ferdinand Flavian, 32, ng Barangay Uwisan; Rey Angelo Ignacio, 51, ng Barangay Lawa; Noel Hapa, 25, ng Barangay Bugtong at Rolly Andaluz, 28, na kapwa naninirahan sa Cabuyao, Laguna.
Ang mga suspek ay miyembro ng Hagibis Group na may modus operandi sa buong Laguna at karatig lalawigan.
Ayon sa report, nagpanggap ang mga tauhan ng RSOG sa pangunguna ni PO3 Peter Pablico na bibili ng isang karnap na motorsiklo sa grupo nang masakote ang mga suspek bandang alas-3:30 ng hapon sa Villa Palao Subdivision, Barangay Banlik, Cabuyao.
Narekober sa mga suspek ang dalawang motorsiklo na Honda Wave habang tinutugis pa rin ng mga awtoridad ang di pa pinangalanang financier ng grupo.
Pansamantalang nakapiit ang mga suspek sa RSOG detention cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest