Mag-ina kinadena ng adik na ama
January 18, 2007 | 12:00am
BULACAN Nagising sa mahabang bangungot ang mag-inang ikinadena sa loob ng kubeta ng adik na ama matapos na masagip ng mga tauhan ng Provincial Social Welfare Office sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon.
Ang mga biktimang nasa pangangalaga ngayon ng nasabing ahensya ay nakilalang sina Maura Compuesto, 55 at anak na si Heidelyn, 35, may asawa at kapwa naninirahan sa Barangay San Mateo ng bayang nabanggit.
Base sa ulat ni Rowena Tiongson, hepe ng PSWDO, natuklasan ng mga kapitbahay ang insidente matapos na hindi lumabas ng kanilang bahay ang mag-ina sa loob ng pitong araw.
"Nagtataka yung mga kapitbahay nila dahil halos pitong araw nang hindi nakikitang lumalabas ng bahay ang mag-ina," pahayag ni Tiongson.
Agad naman nakipag-ugnayan ang ilang kapitbahay ng pamilya Compuesto sa kinauukulan kaya inatasan ni Tiongson ang kanyang mga tauhan upang kumpirmahin ang rekalmo.
Tinungo ng mga awtoridad ang bahay ng pamilya Compuesto at nadiskubre nila ang mag-ina sa loob ng kubeta na kapwa nakakadena.
Inaresto naman ng pulisya ang suspek na si Felix Campuesto, 66, asawa ni Maura na madalas silang ikadena sa kubeta kapag ito ay umaalis ng bahay.
Malaki ang paniniwala ng pulisya na lulong sa ipinagbabawal na gamot ang suspek dahil namumula ang mga mata nito habang sumasailalim sa interogasyon. (Dino Balabo At Boy Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
17 hours ago
Recommended