^

Probinsiya

Army officer tinumba

-
ILIGAN, Isabela — Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang 50-anyos na Army intelligence officer makaraang pagbabarilin ng apat na kalalakihang sakay ng motorsiklo sa Raniag Village sa bayan ng Ramon Isabela noong Lunes.

Walong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni T/Sgt. Ricardo Mejia, na inupakan habang naglalakad na kasama ang kanyang anak na 17-anyos.

Ayon kay P/Chief Insp. Antonio Marallag, nag-grocery ang mag-ama nang may tumigil sa kanilang harapan na dalawang motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima.

Nagsisigaw naman ang anak na tinedyer ng biktima matapos na masaksihan ang brutal na pagpatay sa kanyang ama. Sinisilip ng pulisya kung mga rebeldeng New People’s Army ang nasa likod ng pamamaslang dahil sa nalalapit na anibersaryo ng grupong komunista. (Charlie Lagasca)

ANTONIO MARALLAG

AYON

BAYOLENTENG

CHARLIE LAGASCA

CHIEF INSP

ISABELA

NEW PEOPLE

RAMON ISABELA

RANIAG VILLAGE

RICARDO MEJIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with