^

Probinsiya

3 karnaper dinedo ng pulis

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -
NUEVA ECIJA – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa kasong carnapping ang iniulat na napatay makaraang mang-agaw ng baril at makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Barangay Sto. Cristo Norte, Gapan City, Nueva Ecija noong Biyernes ng umaga.

Naisugod pa sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay ang mga napatay na sina Robert Santos y Castro, Joel Tiglao, 30, tubong Bukidnon na kapwa naninirahan sa bayan ng Mabalacat, Pampanga; at si Antonio Baguio ng Bulacan.

Base sa report ng mga tagapagsiyasat na isinumite kay P/Chief Inspector Arnel Valerio Santiago, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, ang tatlong napatay ay nasakote ng pulisya matapos na makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga karnaper mula sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan PNP.

Napag-alamang sakay ng pampasaherong jeepney na may plakang CNK-306 ang tatlo nang maparaan sa PNP checkpoint na pinamumunuan ni P/Insp. Nestor Frany, sa Barangay Bucana, Gapan City.

Ayon pa sa report, nasakote ang tatlo at habang sakay ng patrol car patungong himpilan ng pulisya ay inagaw ang baril ng nag-iisang bantay na si PO1 Llyod Jeffrey Bunag hanggang sa magpambuno ang dalawa at sa hindi nabatid na dahilan ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok at duguang bumulagta ang tatlo.

vuukle comment

ANTONIO BAGUIO

BARANGAY BUCANA

BARANGAY STO

BULACAN

CHIEF INSPECTOR ARNEL VALERIO SANTIAGO

CRISTO NORTE

GAPAN CITY

JOEL TIGLAO

LLYOD JEFFREY BUNAG

NESTOR FRANY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with