^

Probinsiya

MILF-JI bombers utak sa SORA bombing

-
CAMP CRAME – Tinukoy kahapon ng pulisya ang malaking posibilidad na ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinanay ng mga Jemaah Islamiyah (JI) terrorist ang responsable sa naganap na pambobomba sa SORA (State of the Region Address) ni ARMM Governor Zaldy Ampatuan kamakalawa na ikinasugat ng isa katao.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 12 Director Chief Supt. German Doria, ang lead sa kasong ito ay masusi nilang iniimbestigahan.

Sinabi ni Doria na isang ‘terror act’ ang pangyayari na pinaniniwalaang bahagi ng resbak ng grupo sa pagkakaaresto kay Commander Blah Platon, pinaghihinalaang JI trained bomber sa Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa.

Partikular na tinukoy ng opisyal na bago naganap ang pagpapasabog sa SORA ng gobernador ay nasakote si Platon ng mga awtoridad sa lungsod ng Tacurong.

Si Platon ay isang opisyal ng mga rebeldeng MILF na pinaniniwalaang sinanay ng JI sa paghahasik ng terorismo kung saan patuloy itong isinasailalim sa masusing tactical interrogation ng mga awtoridad.

Nitong Lunes habang nagtatalumpati si Gov. Ampatuan sa compound ng ARMM sa Cotabato City nitong Lunes ay niyanig ito ng pagpapasabog ng 60MM mortar bandang alas-2:10 ng hapon na ikinasugat ng sibilyang si Ali Lumpingan habang nawasak naman ang bakuran ng sibilyang si Haron Bansuan. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALI LUMPINGAN

COMMANDER BLAH PLATON

COTABATO CITY

DIRECTOR CHIEF SUPT

GERMAN DORIA

GOVERNOR ZALDY AMPATUAN

HARON BANSUAN

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with