^

Probinsiya

19-anyos Amerikana pinatay, ibinaon sa hukay

-
DINALUPIHAN, Bataan – Matapos ang halos dalawang linggong pagkawala makaraang tangayin ng mga kalalakihan, malamig na bangkay na nang makita ang isang 19-anyos na Amerikana sa madamong bahagi ng Sitio Payumo, Brgy. Gen. Luna, Dinalupihan, lalawigang ito kasunod naman ng pagkaka-aresto sa dalawang suspek kabilang ang manliligaw ng biktima kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Director PSr. Supt. Hernando Zafra ang biktima na si May Jehn Gibson y Yatco, American national, 3rd yr. high school sa St. John Academy, at nakatira sa naturang lugar na nasa ilalim na ng state of decomposition sa Sitio Payumo, Gen. Luna, Dinalupihan.

Sa isinagawang pagsisiyasat, dakong-1:50 ng madaling-araw, nang ireport ng isang lalaking basurero ang kanyang nakitang bangkay na nakabaon sa bahagi ng madamong lugar, may 100 metro lamang ang layo sa tinitirhan ng biktima.

Mabilis na tinungo ng mga operatiba sa pamumuno ni P/Sr. Insp. Rogelio Rillion, hepe ng Dinalupihan Police at laking gulat nila nang mamukhaan na ang bangkay na babae ay ang kanilang matagal nang hinahanap.

Sa follow-up operation ng Provincial Intelligence and Investigation Branch, Presidential Anti Crime Emergency Response Team-Region-3 at Dinalupihan Police, naaresto ang suspek na nakilalang si Rodolfo Javar Soriano, 17, ng Brgy. Saguing Dinalupihan.

Ipinagtapat ni Serrano ang kanyang partisipasyon sa pagpatay sa biktima at itinuro nito ang primary suspect na nakilalang si Richard Gunido, nasa hustong gulang, manliligaw ng biktima na nahuli rin agad sa kanyang pinagtataguan sa Valenzuela City, Bulacan bandang alas-5 ng umaga.

Sa rekord, dinukot umano ang biktima ng mga suspek noong Oktubre 27, 2006 kaya agad itong ipinaalam sa pulisya at pinanawagan pa ni Aling Felicing Penaflor, lola ng biktima sa ilang TV Station ang pagkakadukot nito.

Lumilitaw na isang nagngangalang alyas Tisay Manalili, kapitbahay ng biktima ang siya umanong katulong ng mga suspek para ilapit ang loob ng biktima sa manliligaw nitong suspek.

Hinihinala na kaya pinatay sa sakal ang biktima ng mga suspect dahil sa kilala nito ang mga salarin matapos na ito ay gahasain. Sinampahan na ng kasong murder ang tatlong suspek. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

ALING FELICING PENAFLOR

BIKTIMA

BRGY

DINALUPIHAN

DINALUPIHAN POLICE

HERNANDO ZAFRA

JONIE CAPALARAN

MAY JEHN GIBSON

POLICE DIRECTOR

SITIO PAYUMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with