^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Shootout: 2-katao dedo
CAMP AGUINALDO – Isang sundalo ng Phil. Army at isa sa mga umatakeng bandidong Abu Sayyaf ang napaslang habang isa pa sa militar ang malubhang nasugatan sa naganap na shootout sa Jolo, Sulu kamakalawa. Kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Suhod Paradji at ang isang bandido na alyas Suaib habang patuloy namang ginagamot si Captain Gabir Lakian na kawal ng Army’s 35th Infantry Battalion. Base sa ulat, ang insidente ay naganap sa harapan ng Kakuyagan Mosque kung saan magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang sundalo at dikitan ng dalawang suspek na sakay din ng motorsiklo. Bagaman sugatan ay nagawa namang makaganti ng putok ng dalawang sundalo na ikinamatay ng isa sa umatakeng dalawang bandido, pero minalas na masawi sa insidente si Corporal Paradji. (Joy Cantos)
2 opisyal ng kooperatiba kinasuhan
LEGAZPI CITY – Sinampahan ng kaukulang kaso sa mababang hukuman ang dalawang opisyal ng Albay Electric Cooperative (Aleco) makaraang isangkot sa P35 milyong maanomalyang kontrata sa Lungsod ng Tabaco, Albay. Ang mga suspek na ngayon ay nalalagay sa balag ng alanganin ay sina Aleco Board President Benjamin Consuelo at officer-in-charge Alex Realoza, kasama na ang boung management ng Aleco ay nahahaharap sa kasong "Annulment of Contract". Kasalukuyang nasa regional trial court ang nasabing kaso na isinampa noong Huwebes ng pamunuan ng pribadong kompanyang Power Dimension, Inc. May posibilidad na maantala ang proyekto ng Aleco sa nabanggit na lalawigan dahil sa kasong isinampa. (Ed Casulla)
‘Paskong Pasiklab sa Gapo’ inilunsad
OLONGAPO CITY – Inilunsad ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Olongapo City Mayor James "Bong" Gordon, Jr. "Paskong Pasiklab sa Olongapo" sa bahagi ng East Tapinas, YMCA oval grounds ng nabanggit na lungsod at tatagal hanggang ika-6 ng Enero 2007. Naging tagumpay ang ginanap na opening festivity dahil na rin sa makulay na entertainment numbers na isinagawa ng iba’t ibang sikat na mga local at national entertainers at kinatatampukan ng kakaibang carnival experience sa pamamagitan ng mga ligtas at modernong amusement facilities. Samantala, inatasan naman ni Mayor Gordon, ang pulisya na magsagawa ng routine inspection sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang mapangalagaan ang seguridad ng taumbayan. Nakaantabay na rin ang pangkat ng paramedic para matugunan ang hindi inaasahang sakuna.

ABU SAYYAF

ALBAY ELECTRIC COOPERATIVE

ALECO

ALECO BOARD PRESIDENT BENJAMIN CONSUELO

ALEX REALOZA

ANNULMENT OF CONTRACT

CAPTAIN GABIR LAKIAN

CORPORAL PARADJI

PASKONG PASIKLAB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with