^

Probinsiya

3 NPA rebs nadakma sa mall

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tatlong rebeldeng New People’s Army kabilang na ang isang kumander ang nasakote ng mga awtoridad habang namimili sa LCC Mall sa Tabaco City, Albay noong Linggo ng umaga. Ang mga suspek na sumasailalim sa tactical interrogation ay sina Crisanto "Ka Russel/Ka Bong" Sariola, 27, ng Malinao, Albay; Agnes Camacho at ang alalay na si Felipe Belarde ng Barangay Maynonong, Tiwi, Albay. Ayon kay Lt. Col. Manny Urdona, commanding officer ng 65th Infantry Battalion ng Phil. Army, bandang alas-11 ng umaga nang maispatan ng isang asset ng militar ang tatlo sa loob ng nabanggit na mall na namimili ng mga pagkain at damit. Agad na ipinagbigay-alam sa kinaukulan ang presensya ng tatlo kaya mabilis naman nadakma. Napag-alamang si Sariola ay isa sa suspek na pumaslang sa dating kumander ng NPA at consultant ng peace panel na si Sotero Llamas noong Marso. (Ed Casulla)
2 grupo ng sekyu nagbarilan; 23 tiklo
CAVITE – Aabot sa dalawampu’t tatlong security guard ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang magbarilan na lumikha nang matinding tensyon sa mga rersidente ng Daang-Hari sa Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga sekyu na kinasuhan ay sina Raul Diama Sr. Elimino  Inocencio Jr., Greg Patricio Namangcayao, Bernaldo  Tamayo, Nomer  Depaur, Adonis  Quintano, Mark Anthony Losanes, Danilo Amorado Adame, Christopher Diaz, Alex l Gandawali, Jose Hirodel Barona, na pawang sekyu ng B-Square Detective and Security Agency; Agustin  Ubaldo, Ruben Romandan, Mark  Caculba, Jimmy Licutan, Joebert Paguidian, Felix Motos, Jomson Mitocua, Jose Servidad, Rommel  Servidad, Simon Gumanta, at Gerald  Barcelona, na pawang sekyu naman ng Martha Security Agency Inc. Ang mga suspek ay nakumpiskahan ng 25-baril at ibat’ ibang bala ng armas. (Cristina Timbang)
2 sundalong ‘holdaper’ sinibak
CAMARINES NORTE – Dalawang sundalo ng 9th Infantry Division ng Phil. Army na isinasangkot sa holdapan ang tuluyang sinibak sa pagiging kawal kamakalawa at ipinagharap ng kasong administratibo makaraang isabit ng isa sa naarestong holdper na bumiktima sa isang negosyanteng Bumbay noong Oktubre 3 sa Pamplona, Camarines Sur. Kinilala ni P/Insp. Jesus Francisco, hepe ng pulisya sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur, ang mga suspek na sina Private First Class Joseph Candelaria at Private First Class Noe Pellosis na nakabase sa Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur. Ayon sa ulat, ang dalawa ay isinangkot ng suspek na holdaper na si Ricardo Sanfuego matapos na masakote ng mga tauhan ni P/Supt. Romeo Mapalo, Camarines Sur provincial director. Napag-alaman din sa ulat na umatras sa kaso ang biktimang trader na pinaniniwalaang natakot sa resbak ng mga kasamahang sundalo ng dalawa. (Francis Elevado)
Tindahan ng baril niransak  
BUTUAN CITY — Aabot sa labingwalong baril at iba’t ibang uri ng bala ang tinangay ng mga armadong kalalakihan makaraang pasukin ang kilalang tindahan ng baril sa kahabaan ng A.D. Curato Street sa Butuan City, kahapon ng madaling-araw. Kabilang sa natangay na baril mula sa Shooters’ Gun Store na nasa Memerto Dy Building ay pawang mga cal. 38, 40, 45 at 9mm. Sa opisyal na ulat ng pulis-Butuan City kay P/Chief Supt. Antonio Dator Nanas, Caraga, regional director, nagawang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang nasabing tindahan sa pamamagitan ng pagwasak sa pintuang bakal gamit ang steel bar, subalit magsasagawa ng hiwalay na pagsisiyasat ang management ng nasabing tindahan kung bakit hindi napansin ng dalawang sekyu na malapit lamang ang security guard post sa nasabing lugar. Maging ang himpilan ng pulisya na may ilang metro lamang ang layo sa gusali ay hindi kaagad nakaresponde kahit na nag-flash alarm ang nasabing tindahan. (Ben Serrano)

AABOT

AGNES CAMACHO

ALBAY

ANTONIO DATOR NANAS

AYON

BUTUAN CITY

CAMARINES SUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with