Tricycle vs tricycle:1 patay, 3 sugatan
October 23, 2006 | 12:00am
CABANATUAN CITY Isang lalaki ang namatay at tatlo katao naman ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang bumangga ang isang tricycle sa kasalubong na tricycle din at sa nakaparadang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Maharlika Highway, sakop ng Gen. Tinio Extension, dito, kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Supt. Eliseo Cruz, hepe ng pulisya rito, ang nasawing biktima na si Reynaldo Salvatierra, 30-anyos ng Brgy. Zulueta, rito, na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan. Ginagamot naman ngayon sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital, ang mga nasugatang sina Roxanne Madrid y Ponce, 17, ng Brgy. Bantug Norte, ang drayber ng nabanggang Yamaha tricycle (RL-9761), na nakilalang si Darwin Abare ng Brgy. Obrero at si Gregorio Vistada, 42, ng Brgy. Buliran, pawang mga sakop ng siyudad na ito.
Ang itinuturong responsable umano sa aksidente na si Ronald Gabat, ng Brgy. Zulueta rito ay agad na tumakas at iniwan pagkatapos ng aksidente ang kanyang minamanehong tricycle (QD-7494) sa crime scene.
Ayon sa pulisya, dakong alas-4:20 ng madaling-araw kamakalawa, galing umano ng lamay ng patay sina Gabat at pasaherong sina Salvatierra at Madrid sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng nasabing highway patungo sa north direction. Mabilis umano ang patakbo ni Gabat sa kanyang motorsiklo nang bigla itong mag-overtake sa isang sasakyan at ginamit ang shoulder lane. Sa puntong iyon ay tinatahak din ni Abare ang highway, patungo sa south direction at paliko sa Sangitan Public Market nang bigla itong mabunggo ng tricycle ni Gabat hanggang sa sumalpok sa pampasaherong jeep (CXC-496) ni Vistada na nakaparada malapit sa waiting shed. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Cristina Timbang | 17 hours ago
Recommended