Manugang dinedo ng biyanan
October 11, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 35-anyos na mister ng kanyang biyanan habang ang biktima ay naghahapunan sa kanilang bahay sa Sitio Oras, Barangay San Rafael, Pilar, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Napuruhan ng bala ng shotgun sa mukha ang biktimang mangingisda na si Rito Relog, samantalang tumakas naman ang mag-asawang biyanan ng lalaki na sina Domingo Balding at Lorna Balding.
Ayon sa pulisya, naghahapunan ang biktima kasama ang kanyang mga biyanan sa kanilang bahay nang magbunot ng shotgun ang dalawa at agad na ipinutok sa kanilang manugang. Nag-ugat ang krimen matapos na kimkimin ng mag-asawang Balding ang galit sa biktima na gumawa ng kahihiyan sa kanilang pamilya na pansamantalang hindi isiniwalat ng pulisya. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest