2 hepe ng pulisya sinibak
September 26, 2006 | 12:00am
ILAGAN, Isabela Dalawang hepe ng pulisya sa dalawang bayan ng Isabela ang agad na sinibak kamakailan makaraang makumpirma na patuloy pa rin ang operasyon ng jueteng sa kanilang nasasakupan bayan.
Ayon kay P/Senior Supt. Jude Santos, provincial police director, ang one strike policy ng pambansang pulisya laban sa jueteng ang naging dahilan kung kayat sinibak sina P/Superintendent Felix Dayag at P/Chief Inspector Roberto Bucag bilang chief of police sa bayan ng Echague at Jones.
Nauna rito, aabot sa 40-katao na kinabibilangan ng mga jueteng collectors at kabo ang nadakma ng pinagsanib na tauhan ng Anti-Gambling Task Force mula sa Camp Crame at mga tauhan ng pulisya sa Isabela sa nabanggit na dalawang bayan.
Ang dalawang opisyal ng pulisya na sinibak ay pansamantalang pinalitan nina Chief Inspectors Vicente Valdez at Jesus Nape bilang officers-in-charge sa mga bayan ng Echague at Jones police offices.
Ipinagmalaki naman ni Santos, ang matagumpay na operasyon ng mga tauhan ng pulisya dahil sa naging susi ito upang mapatigil na ang jueteng sa Isabela matapos siyang ulanin ng batikos dahil sa pagbabalik ng nasabing sugal.
Sa kasalukuyan ay idineklara nang jueteng-free ang Isabela maging ang lalawigan ng Qurino at Nueva Vizcaya matapos ang serye ng operasyon. (Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest