Reporters binastos sa b-day ni Gov. Ynares
August 28, 2006 | 12:00am
RIZAL Nadismaya ang isang grupo ng mga mamamahayag na nagkokober sa lalawigan matapos na hindi papasukin ang mga ito sa pagdiriwang ng kaarawan ni Rizal Gov. Casimiro "Ito" Ynares sa kabila ng imbitasyong ipinarating ng kanyang anak kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Jhie Condovar, reporter ng Remate at presidente ng Metro East Rizal Press Organization (MERPO), kasama niya ang may 10 reporters ng ibat ibang pahayagan nang pumunta sa kaarawan ni Ynares sa Rizal Provincial Capitol sa Pasig City sa imbitasyon na rin ng anak nitong si Casimiro "Jun" Ynares, general manager ng Laguna Lake Development Authority (LLDA). Subalit laking gulat ng mga reporters nang bigla silang haranging ng isang usherette na nakilala sa pangalang Jenny at sinabing utos daw ng gobernador na huwag papasukin ang mga reporters at hanggang doon lang daw sa ibaba dahil may pagkain din naman doon. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest