^

Probinsiya

1 sa pumatay sa ina ng consul, arestado

-
BULACAN, Bulacan – Hindi nakapalag ang isa sa apat na pangunahing suspek sa pagpatay sa isang dating punong-guro at ina ng Pilipinang consul sa Australia nang dakpin ng pulisya dito kamakalawa.

Kinilala ni Police Supt. Noli Pacheco, hepe ng pulisya ng bayang ito ang suspek na si Domingo Chico, 36, isang tricycle driver at nakatira sa Barangay Sta. Ana, Bulacan.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng isang tawag mula sa isang impormante at itinuro si Chico dahil ang mga deskripsyong ipinakalat ng pulisya ay tumutugma sa anyo nito.

Agad na bumuo ng isang grupo si Pacheco na kinabibilangan nina SPO1 Danilo Alfonso bilang team leader, PO2 Danilo Estrella, imbestigador, PO3 Rolando Domingo, PO2 Fernando David de Guzman, PO1 Melvin Ongcamua at PO1 Ramirez Perez upang isagawa ang pag-aresto sa suspek sa bahay nito.

Pinaghahanap na rin ang tatlong kasamahan ni Chico, na hinihinalang responsable sa pagnanakaw at pagpatay sa biktimang si Rosalina Lazaro, 74, retiradong punong-guro at ina ni Atty. Ma. Teresa Lazaro, isang konsul na Pinay na nakatalaga sa Australia. (Dino Balabo)

vuukle comment

BARANGAY STA

BULACAN

DANILO ALFONSO

DANILO ESTRELLA

DINO BALABO

DOMINGO CHICO

FERNANDO DAVID

MELVIN ONGCAMUA

NOLI PACHECO

POLICE SUPT

RAMIREZ PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with