^

Probinsiya

Buntis, 2 anak minasaker

-
CAMP AGUINALDO – Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng tatlong mag-iina kabilang ang buntis na ginang at ang 4 buwang sanggol sa kaniyang sinapupunan makaraang mapagtripang pagtatagain ng hindi kilalang lalaki na sugo ng kadiliman sa Purok 1, Barangay Panagangan sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur, kamakalawa.

Animo’y manok na pinagtataga at agad na nasawi ang mga biktimang sina Clare Birino, 22; ang sanggol na ipinagbubuntis nito; dalawang anak na sina Princess John Birino, 3 at Chamverlyn Birino, 1 taong gulang.

Sugatan din ang asawa ni Clare na si Carlos Birino na inatake rin ng hindi kilalang lalaki.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na kasalukuyang naghahanda na ng hapunan si Clare para sa kanyang pamilya nang biglang pumasok ang killer at pinagtataga ang mag-iina hanggang sa duguang bumulagta.

Lingid sa kaalaman ni Carlo na may masamang naganap sa kanilang bahay ay nagtuluy-tuloy ito na pumanhik galing sa pagbili ng ulam sa isang karinderya kung saan ay sinalubong rin ito ng taga ng suspek pag-akyat sa hagdanan.

May posibilidad na nakilala ni Carlo ang suspek habang patuloy namang sinisiyasat ng pulisya ang malagim na krimen. (Joy Cantos)

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY PANAGANGAN

BAYOLENTENG

CARLOS BIRINO

CHAMVERLYN BIRINO

CLARE BIRINO

JOY CANTOS

LA PAZ

LINGID

PRINCESS JOHN BIRINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with