^

Probinsiya

Misis ginulpi, binigti ni mister

-
CAMARINES NORTE — Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang 31-anyos na misis sa sariling mister makaraang gulpihin ay binigti pa sa punungkahoy sa Sitio Kabu-on, Barangay Pinagtigasan sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Ang bangkay ng biktimang nakabitin nang matagpuan ng mga kapitbahay ay nakilalang si Rowena Balaoro, samantalang agad namang nasakote ng pulisya ang papatakas na asawang suspek na si Gerry Balaoro.

Ayon sa pulisya, bago maganap ang krimen ay namataang nagkakasigawan ang mag-asawang Balaoro sa loob ng kanilang bahay hanggang sa makarinig nang ingay na ginugulpi ang babae ng kanyang mister.

Sa panayam kay Barangay Kagawad Armando De Larna, madalas na mamataan ng mga kapitbahay na nag-aaway ang mag-asawang Balaoro sa kanilang bahay habang ang dalawang anak na lalaki nito ay nakamasid lamang.

May posibilidad na madaling-araw binigti ang biktima at umaga na nang madiskubre ng mga kapitbahay ang bangkay ng biktima na nakabitin sa punungkahoy sa likurang bahagi ng bakuran ng pamilya Balaoro.

Nasakote ang suspek na bitbit ang kanyang dalawang anak habang papatakas.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong matinding selos ng mister sa kanyang misis na may ibang karelasyong lalaki kaya nagawa ang pamamaslang.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa suspek na kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal. (Francis Elevado)

vuukle comment

AYON

BALAORO

BARANGAY KAGAWAD ARMANDO DE LARNA

BARANGAY PINAGTIGASAN

BAYOLENTENG

CAMARINES NORTE

FRANCIS ELEVADO

GERRY BALAORO

ROWENA BALAORO

SITIO KABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with