^

Probinsiya

Gang war: 2 patay

-
LUCENA CITY – Pinaniniwalaang madugong gang war ang naging sanhi para pagbabarilin hanggang sa mapatay ang dalawang lalaki na ikinasugat naman ng tatlong iba pa kahapon ng madaling-araw sa bahagi ng San Francisco Subdivision, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Tama ng bala ng shotgun sa kaliwang tagiliran ang ikinamatay ni Joel Padilla, 21, 3rd year college sa kursong Nursing, samantalang sa ulo naman tinamaan ang traysikel drayber na si Roberto Lat, 20, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Ginagamot naman sa St. Anne General Hospital ang dalawang suspek na nakabaril na sina Michael Pornobi, 21, ng Pagbilao, Quezon at Mark Rait, 19, ng Purok Bagong Pag-asa, Barangay Ibabang Dupay, habang sugatan din ang bystander na si Luther Ello, 21.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Gerardo de Chavez, dakong alas -12:05 ng madaling-araw nang dumating ang apat na kalalakihang lango sa droga sa labas ng bahay ni Lat na pawang sakay ng dalawang motorsiklo.

Namataan ng isa sa suspek si Lat kaya pinagbabaril at inupakan din ang naglalakad lamang na Nursing student habang tinamaan ng shrapnel sa binti si Ello.

Hindi naman nagawang makatakas nina Pornobi at Rait nang matapos na tumumba ang sinasakyang motorsiklo na naging dahilan upang pagtulungan silang gulpihin ng mga nakasaksi habang nakatakas ang dalawang kasama na sina Jessie Morales at isang alyas Berto na kapwa naninirahan sa Purok Bagong Pag-asa. (Tony Sandoval)
vuukle comment

BARANGAY IBABANG DUPAY

JESSIE MORALES

JOEL PADILLA

LUCENA CITY

LUTHER ELLO

MARK RAIT

MICHAEL PORNOBI

PUROK BAGONG PAG

ROBERTO LAT

SAN FRANCISCO SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with