^

Probinsiya

2 paslit naglaro sa ilog, nalunod

-
CAVITE – Dalawang batang lalaki ang idineklara ng mga manggagamot sa Cavite Municipal Hospital na dead-on-arrival makaraang malunod sa Maragondon River sa Marogondon, lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Vincent Paul Ramirez, 8, at John Paul Villaranda, 7, kapwa residente ng Brgy. Caingen 3, ng bayang nabanggit.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Alberto Avinante, dakong ala-1 ng hapon nang makaramdam ng init ang dalawang biktima matapos na maglaro sa kanilang tahanan kaya mabilis na nagkayayaang maligo sa ilog. Habang nagtatampisaw sa tubig ay hindi namalayan ng dalawang bata na nasa malalim na bahagi na sila ng ilog kung kaya kapwa lumubog dahil hindi naman sanay na lumangoy. Ilang oras pa ang nagdaan nang mapansin ng mga kaanak nila na nawawala ang mga bata at may nakapagsabi namang nakita ang mga ito na papunta ng nasabing ilog. Agad nilang tinungo ang ilog at dito nakita ang dalawang bata na nakalutang. (Cristina Go Timbang)

vuukle comment

ALBERTO AVINANTE

BATAY

BRGY

CAINGEN

CAVITE MUNICIPAL HOSPITAL

CRISTINA GO TIMBANG

DALAWANG

JOHN PAUL VILLARANDA

MARAGONDON RIVER

VINCENT PAUL RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with