^

Probinsiya

50 katao na-tipus dahil sa tubig-balon

-
MALOLOS CITY, Bulacan – Aabot sa 50 katao ang iniulat na na-tipus matapos na makainom ng kontaminadong tubig mula sa matandang balon sa Sitio Puting Buhangin, Barangay Camachile sa bayan ng Donya Remedios Trinidad may dalawang linggo na ang nakalipas.

Ayon sa mga opisyal ng Bulacan Provincial Hospital, hindi bababa sa 25-katao ang isinugod sa kanila kabilang ang 17 menor-de-edad.

Isa sa mga nurse ang nagsabi sa PSN na thypoid fever (tipus) ang naging sakit ng mga residente matapos na uminom ng kontaminadong tubig sa nabanggit na balon.

Kaugnay nito, sinabi ni Andres Abando, municipal administrator ng nasabing bayan na agad nilang tinugunan ang nasabing problema sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga poso na pagkukunan ng malinis na tubig, base sa kautusan ni Mayor Evelyn Paulino.

Ang nasabing balon ay may lalim na limang talampakan, at dating may bubong, subalit sa paglipas ng panahon ay napabayaan kaya’t ang katas ng dumi ng mga hayop ay napupunta sa matandang balon.

Bukod dito, nagbigay din ng tulong ang lokal na pamahalaang bayan para sa pagpapagamot ng mga biktima.

Sa pahayag naman ng ilang environmentalist ay nagpapatunay lamang na sa kabila ng sinasabing kaunlaran sa Bulacan ay halos kalahati ng may 3-milyong populasyon nito ang walang access sa malinis na tubig inumin. (Dino Balabo)

vuukle comment

AABOT

ANDRES ABANDO

AYON

BARANGAY CAMACHILE

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

DINO BALABO

DONYA REMEDIOS TRINIDAD

MAYOR EVELYN PAULINO

SITIO PUTING BUHANGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with