Mag-asawa todas sa road mishap
May 11, 2006 | 12:00am
LUCENA CITY, Quezon Magkasunod na kinalawit ni kamatayan ang mag-asawang sakay ng motorsiklo makaraang salpukin ng kotse sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Silangang Mayao, Lucena City, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-the-spot si Armando Halili, 47, samantalang namatay naman habang ginagamot sa MMG Hospital ang kanyang asawang si Ana, 48, kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Pansamantala namang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa Lucena City para sampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Juan Carlo Alana, 25, binata, ng Barangay Gulang-gulang na anak ni ex-Councilor Thelma Alana.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, naitala ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw habang sakay ng Honda Wave motorcycle ang mag-asawa mula sa kanilang bahay patungo sa public market.
Walang kaabug-abog ay Biglang binangga ng Honda Civic (PNC-494) na minamaneho ng suspek ang motorsiklo kaya tumilapon ng may ilang metro ang mag-asawa.
Sa halip na saklolohan ang mag-asawa ay pinaharurot pa ng suspek ang minamanehong kotse at nabangga pa nito ang isang traysikel at isang L-200 pick-up bago tuluyang sumadsad sa gilid ng highway.
Agad namang nadakip ng mga rumespondeng operatiba ng SWAT at 415th PPMG na nakabase sa Talipan, Pagbilao,Quezon ang suspek at naiwasang kuyugin ng mga kaanak ng mga biktima. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest