2 wanted arestado
April 26, 2006 | 12:00am
CAMARINES NORTE Dalawang kalalakihan na nasa talaan bilang most wanted ang dinakip ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay Dongongan, Daet, Camarines Norte, kamakalawa ng umaga. Sa bisa ng warrant of arrest ni Judge Winston Racoma ng RTC Branch 64, inaresto si Solomon Hanson, 51, ng Purok 4, Barangay San Roque sa bayan ng Mercedes sa kasong murder. Samantalang si Elmer Mestizo, 29, ng Barangay Salvacion, Sta. Elena ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo Intia ng Sta. Elena Regional Trial Court, Branch 64 na may kasong rape. (Francis Elevado)
CAVITE Dalawang sibilyan na pinaniniwalaang may matinding problema sa buhay ang iniulat na nag-suicide sa kanilang bahay sa naganap na insidente sa magkahiwalay na bayan ng Cavite kamakalawa. Ayon sa ulat ng pulisya, si Ferdinand Dagdag, 40, na may limang ulit nang pumasok sa drug rehabilition center ay nagbigti sa kanilang bahay sa Barangay Mabolo, Bacoor, Cavite. Samantalang si Remielyn Maglian, 20, na pinaniniwalaang may problema sa nobyo ang nagbigti sa sariling bahay sa Villa Luisa Subd., Barangay San Agustin 3, Dasmariñas, Cavite. Napag-alamang bago mag-suicide si Maglian ay nag-iwan ito ng text message sa kanyang kaibigan. (Cristina Timbang)
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Isang detachment commander ng 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay patungo sa kampo kahapon ng umaga sa Sitio Tubigan sa hangganan ng Barangay San Pedro at Sta. Maria sa Iriga City. Napuruhan sa ulo ang biktimang si S/Sgt. Nestor Ibasco Esmeria, 42, ng Charlie Coy na nakabase sa Barangay San Isidro. Sa ulat ng pulisya, ang biktima na naka-motorsiklo patungo sa kampo nang ratratin ng mga NPA. Bago tumakas ay tinangay pa ng mga rebelde ang motorsiklo ng biktima. (Ed Casulla)
CAMP OLIVAS, Pampanga Pinagbabaril hanggang sa napatay ang dalawang lalaki sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa dalawang bayan sa Pampanga, kamakalawa. Ayon kay ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Leonardo Espina, provincial director, ang biktimang si Landis Quiambao, 45, ng Barangay Telepayong, Arayat, niratrat ng dalawang hindi kilalang lalaki habang naghihintay ng masasakyan sa nabanggit na barangay. Samantalang si Daniel Regala pinagbabaril habang naglalakad sa bahagi ng Barangay Maimpis sa San Fernando City, Pampanga. (Resty Salvador)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest