^

Probinsiya

Retiradong US Navy itinumba

-
CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 43-anyos na retiradong US Navy ng hindi kilalang lalaki na ikinasugat din ng kanyang kasama sa naganap na karahasan sa harap ng Tanza Family Hospital sa kahabaan ng Soriano Highway sa Barangay Daang Amaya 2, Tanza, Cavite, kamakalawa ng gabi.Napuruhan sa ulo ang biktimang si Lawrence Risken ng Vobora Street, General Trias habang sugatan naman si Fermin Torres, 29, ng Barangay Pinagtipunan. Ayon kay PO2 Neil Morano, ang dalawa ay nakaupo sa loob ng owner-type jeep (DLY 963) na nakaparada nang lapitan ng suspek at isagawa ang krimen. (Cristina Timbang)
Binata niratrat sa hapag-kainan, dedo
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 21-anyos na binata ang niratrat hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang kalalakihan at ikinasugat ng tatlong kabataan habang ang mga biktima ay naghahapunan sa loob ng bahay sa Sitio Maytagas, Barangay Kinale, Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Eduardo Garcia ng Sitio Songod , Barangay Kamuning, samantala, ang mga sugatan na ginagamot sa Bicol Medical Center ay sina Jomar Llagas, 15; Marites Llagas, 21; at Cresenciana Llagas, 17. Ayon sa pulisya, si Garcia ay kaibigan ng isa sa pamilya Llagas at bumisita lamang sa naturang lugar. Hindi naman kaagad nabatid ang motibo ng krimen. (Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY DAANG AMAYA

BARANGAY KAMUNING

BARANGAY KINALE

BARANGAY PINAGTIPUNAN

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

CRESENCIANA LLAGAS

CRISTINA TIMBANG

ED CASULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with