^

Probinsiya

Kidnaper ng trader, timbog

-
CAMP CRAME – Matapos ang walong buwang pagtatago sa batas ay nasakote ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang notoryus na miyembro ng kidnap-for-ransom gang sa Lucena City, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Chief Supt. Jesus Verzosa, hepe ng CIDG, ang naarestong kidnaper na si Allan de la Peña na may nakabinbing warrant of arrest sa kasong pagdukot sa isang trader na si Letty Tan noong nakalipas na taon.

Sa rekord ng pulisya, si Tan ay dinukot ng pitong miyembro ng KFR gang na kinabibilangan ng suspek sa harapan ng Nysan Concrete Products sa bahagi ng A. Santos Street, Sucat, Parañaque City.

Ginamit na sasakyan ng mga suspek ay ang Toyota Light Ace van na may plakang ULK 341 hanggang sa humingi ng P20-milyong ransom sa pamilya ng biktima kapalit ng kalayaan.

Sa follow-up operation ay agad na nakasagupa ng mga awtoridad ang pangkat ng suspek sa Sitio Comintang, Barangay Baras-Baras, Tarlac City na ikinasawi ng tatlong kidnaper na sina Ismael Adela, Roel Capasin at isa sa hindi nabatid ang pangalan.

Lumipas ang walong buwan ay nasakote naman si de la Peña sa Lucena City habang patuloy ang hot pursuit operations sa tatlo pa nitong mga kasamahan. (Joy Cantos at Tony Sandoval)

BARANGAY BARAS-BARAS

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ISMAEL ADELA

JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

LETTY TAN

LUCENA CITY

NYSAN CONCRETE PRODUCTS

ROEL CAPASIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with