Magsasaka niratrat, patay
March 3, 2006 | 12:00am
NUEVA ECIJA Isang 38-anyos na magsasaka ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang maskaradong lalaki sa naganap na karahasan sa bahagi ng Barangay Saging sa bayan ng Talugtog, Nueva Ecija noong Miyerkules ng hapon. Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ng biktimang si Mario Mitra y Catubig, may-asawa ng Barangay Magsaysay District ng bayang nabanggit. Nasaksihan naman ng isang hindi kilalang lalaki ang naganap na krimen na ang dalawang suspek na may backpack sa likurang bahagi ng kanilang katawan at naka-bonnet ay tumahak sa direksyon ng Barangay Tandoc sa nasabing bayan. (Christian Ryan Sta. Ana)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended














