Vice mayor ng Gapo, inalisan ng pondo
March 3, 2006 | 12:00am
OLONGAPO CITY Halos magdadalawang taon ng nakaupo sa puwesto ang bise alkalde ng Olongapo City ay wala pa ring natatanggap na anumang pondo para sa kanyang mga proyekto na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga residente sa nabanggit na lungsod.
Ito ang naging hinaing at pahayag ni Olongapo City Vice Mayor Rolen Paulino kahapon ng hindi mapigilang banggitin ang problema sa kanyang panunungkulan dahil sa kawalan ng pondo mula sa lokal na pamahalaan ng nabanggit na lungsod.
"Dito ka lang makakakita na ang opisina ng bise alkalde ay walang inilalaan na budget ang local government ng Olongapo City, ikumpara mo man sa lahat ng siyudad at munisipalidad sa buong bansa," ani Paulino.
Sa kabuuang P1.4-bilyon 2006 budget ng lokal na pamahalaang Olongapo City ay walang inilaang pondo sa tanggapan ng bise alkalde sa hindi nabatid na dahilan.
Kabilang sa mga hindi natuloy na proyekto at programa ng opisina ng bise alkalde ay ang libreng pagkain sa mga mahihirap na residente, pagbibigay ng relief goods sa ilang depressed areas, medical missions, patubig, relokasyon at iba pa.
"Palagay ko kaya hindi kami mabigyan ng allotted budget at walang suporta mula sa alkalde ay pulitika, dahil magkaiba kami ng paniniwala at paninindigan sa isat isa at isa na rin ay ang pagiging oposisyon ko kung kayat labis na naaapektuhan ang ilan nating mga kababayan sa mga nangyayari," dagdag pa ni Paulino.
Sa nakalap na comparative report ng Sangguniang Panlungsod ng mga pangunahing siyudad sa Luzon region sa larangan ng organizational structure at budget, tanging ang Olongapo City lamang na tinaguriang highly urbanized city, ang walang inilaang pondo para sa tanggapan ng bise alkalde. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest