Dalagang-ina ginahasa, minartilyo
February 12, 2006 | 12:00am
CAVITE Walang saplot sa katawan at halos madurog ang ulo ng isang 33-anyos na dalagang ina na hinihinalang ginahasa muna bago pagpapaluin ng martilyo ang ulo nito ng mga miyembro ng "Akyat-Bahay" gang na nanloob sa kanyang tahanan kamakalawa sa Barangay Anabu 2-F sa bayan ng Imus.
Kinilala ni P/Supt. Efren Castro, hepe dito ang biktima na si Gemma Yaun, 33, tubong-Biliran, Leyte at residente ng Block 3, Lot 29, Phase 1 ng Golden City Subd. sa Brgy Anabu 2-F ng bayang nabanggit. Habang hindi naman nakilala ang isa o dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen at tangayin ang malaking halaga.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Jo Norman Patambang, may hawak ng kaso, dakong ala-1:30 nang makatanggap sila ng tawag nang matagpuan ng tiyahin at tiyuhin ng biktima ang duguang katawan ni Yaun at na nakahandusay sa loob ng kanilang bahay.
Ayon pa sa pulisya, positibong pinasok ng mga di nakilalang salarin ang loob ng bahay at malamang umanong natunugan ng suspek na nag-iisa lamang ang biktima makaraang umalis ang tiyahin at tiyuhin nito. Dakong alas-9:45 umano ng umaga nang umalis ang mag-asawa upang asikasuhin ang kanilang negosyo na lagi naman umano nilang ginagawa.
Natangay ng salarin ang mga alahas at cash money na nagkakahalaga ng P95,000 at iba pang mahahalagang dokumento.
Nabatid pa na nang matagpuan ang biktima ay wala itong saplot sa katawan, kung kaya hinihinala ng pulisya na pinagsamantalahan pa muna ito bago pinatay sa pamamagitan ng pagpalo ng martilyo sa ulo.
Narekober ng pulisya ang duguang martilyo kasama ang iba pang ebidensya na dinala sa PNP laboratory para sa eksaminasyon. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest