Gen. Rodolfo, bagong regional director ng MIMAROPA
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang dating Deputy Director for Operation ng Calabarzon region na si Brig. Gen. Roel Rodolfo ang itinalaga bilang bagong police regional director (RD) ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan)region.
Si P/Brig. Gen. Roger Quesada, na nagretiro sa serbisyo sa PNP, ay pinalitan ni Gen. Rodolfo noong Martes.
Si Gen. Rodolfo, ay dating nagsilbi sa ilang mahahalagang posisyon kabilang ang pagiging regional director ng PRO 9, Officer-In-Charge ng PNP Anti-Kidnapping Group, at Executive Officer ng PNP Area Police Command-Southern Luzon.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Deputy Chief PNP for Administration na nagsilbing kinatawan ni PNP chief General Nicolas Torre III, sa Camp B. General Efigenio Navarro noong Lunes.
Si Gen. Rodolfo ay kasapi ng Philippine National Police Academy (PNPA)’Patnubay’ Class of 1995 at tubong Cuenca, Batangas.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Gen. Rodolfo ang pangangailangang iangkla ang pang-araw-araw na serbisyo at pamumuno sa mga pangunahing haligi na ipinakilala ni PNP Chief Nicolas Torre III.
“Hindi ako nangangako ng madali, ngunit nangangako ako ng tapat na pamumuno. Makikinig ako. Susuportahan ko. Mamumuno ako nang may transparency at makikipagtulungan ako sa inyo nang may patas at dedikasyon. Naniniwala ako sa inyong mga kakayahan, at alam ko na sa disiplina, pagtutulungan ng magkakasama, at pananalig sa Diyos, maitataguyod natin ang pinakamataas na pamantayan ng paglilingkod,” aniya.
- Latest















