^

Probinsiya

Bulakenyo, pinag-iingat sa HFMD

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bulakenyo, pinag-iingat sa HFMD
Sa Facebook post kamakailan ng Bulacan Provincial Health Office (PHO) - Public Health, nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa patuloy ng klase sa mga paaralan na panatilihin ang kalinisan sa katawan, paligid lalo na sa mga silid-aralan at lugar na namamalagi ang mga bata.
Pixabay / File

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Philippines — Pinaalalahanan ng health authorities ang publiko na panatilihin ang kalinisan sa mga paaralan para maiwasan ang hawahan ng sakit gaya ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD).

Sa Facebook post kamakailan ng Bulacan Provincial Health Office (PHO) - Public Health, nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa patuloy ng klase sa mga paaralan na panatilihin ang kalinisan sa katawan, paligid lalo na sa mga silid-aralan at lugar na namamalagi ang mga bata.

Nabatid na kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng HFMD mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363) Hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung Hindi mag-ingat.

Sinasabing ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa dalawang bata at maaring dumami kapag nasa closed spaces gaya ng Bahay at paaralan. Kadalasang sintomas nito ay ang lagnat, singaw sa bibig, sakit sa lalamunan, mga butlig sa palad, talampakan at puwit.

Payo ng kinauukulan, ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon, malinis na tubig, alcohol-based sanitizer, pag-iwas sa paghawak sa mukha, Lalo na sa mataas, ilong at bibig, pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan.

HFMD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with