^

Probinsiya

Bahay inararo ng dump truck: 2 patay, 1 grabe!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng araruhin ng isang humahagibis na dump truck ang isang bahay sa Brgy. Cuevas, Trento, Agusan del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na si Jayson Salibay, driver ng dump truck at helper nitong si John Paul Habana; pawang dead-on-the-spot sa tinamong matitinding sugat sa katawan.

Ang malubhang nasugatan ay miyembro naman ng pamilya Asio mula sa bahay na inararo ng truck na ngayo’y nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa report ng CARAGA Police, ang truck na kargado ng buhangin ay kasalukuyang bumabagtas sa lugar na sobrang tulin ng takbo hanggang sa magloko ang makina nito. Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa tuluy-tuloy na inararo ng truck ang tahanan ng pamilya Asio sa tabi ng kalsada.

Ang nasabing bahay na gawa lamang sa mahihinang uri ng materyales ay nawasak sa insidente na lubhang ikinasugat ng isang miyembro ng pamilya.

AGUSAN DEL SUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with