^

Probinsiya

46 bagong BJMP officials sa MIMAROPA nanumpa

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
46 bagong BJMP officials sa MIMAROPA nanumpa
Pinangunahan nina Regional Director Jail Senior Superintendent Clarence Mayangao ang seremonya ng panunumpa at malugod na tinanggap ang mga bagong jail personnel na magpapatibay sa pamamahala at operasyon sa seguridad ng mga piitan sa buong rehiyon ng MIMAROPA.
BJMP Regional Office MIMAROPA Facebook page

BATANGAS CITY, Philippines — Apatnapu’t anim na bagong talagang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penolo­gy (BJMP)-Mimaropa ang nanumpa kahapon sa isang seremonya sa Ebron covered court sa Brgy. Gulod Labak, Lungsod ng Batangas.

Pinangunahan nina Regional Director Jail Senior Superintendent Clarence Mayangao ang seremonya ng panunumpa at malugod na tinanggap ang mga bagong jail personnel na magpapatibay sa pamamahala at operasyon sa seguridad ng mga piitan sa buong rehiyon ng MIMAROPA.

Kasama ng kanilang mga pamilya at mga opisyales mula sa BJMP Regional Office MIMAROPA ang mga bagong jail officers sa pagdiriwang ng mahalagang yugto sa kanilang karera.

Binigyang-diin ni Direktor Mayangao ang bigat ng kanilang panunumpa sa pagsasabing ito ay hindi basta pormalidad, kundi isang taimtim na pangako na igalang ang batas, panatilihin ang dignidad ng tao, at maglingkod nang may hindi matitinag na integridad.

Sa ulat naman ni BJMP Mimaropa Regional Information Officer Jail Officer 3 Joefrie Anglo, umaabot na sa 672 ang kabuuang bilang ng mga jail officer ng BJMP MIMAROPA na nanga­ngasiwa sa labing-siyam (19) na district, city, at municipal jails.

Dalawa aniya ang kanilang pangunahing misyon: tiyaking ligtas at makatao ang sentensiyang pagkakakulong, at magbigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa pamamagitan ng edukasyon, pagsasanay sa kakayahan, at mga programang rehabilitasyon na naglalayong matagumpay na maibalik sila sa lipunan.

MIMAROPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with