Intel officer ng PNP, nilikida
February 11, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Sabog ang bungo ng isang intelligence officer ng pulisya makaraang pagbabarilin ng dalawang bandidong Abu Sayyaf Group sa naganap na pananambang sa bahagi ng Jolo, Sulu kahapon ng umaga.
Ang biktimang hindi na umabot ng buhay sa Jolo General Hospital ay nakilalang si SPO3 Henry Elumbaring ng Sulu Provincial Police Office.
Ayon kay P/Supt. Greg Pimentel, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Western Mindanao, agad namang natukoy ang isa sa mga suspek na si Arik Jailani, isang notoryus na kasapi ng Abu Sayyaf Group.
Napag-alamang naglalakad mag-isa ang biktima para bumili ng pandesal sa bisinidad ng Camp Asturias sa nabanggit na bayan nang lapitan ng dalawang bandido at isinagawa ang pamamaslang. Ilan sa nakasaksi sa pananambang ay positibong namataan ang killer na palakad na tumakas sa hindi nabatid na direksyon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest