^

Probinsiya

Daang toneladang langis, tumapon sa Subic Bay

-
Subic Bay Freeport May daan-daang tonelada ng langis ang tumagas mula sa isang foreign cargo vessel at tumapon sa karagatang sakop ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa naganap na "oil spill" kamakalawa ng gabi.

Habang sinusulat ang ulat na ito, wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng SBMA kaugnay sa naturang "oil spill" dahil sa impormasyong nakalap ng PSN na pilit umanong itinatago ng kumpanyang Philippine Coastal (Petroleum) Storage Pipeline Inc, ang pangyayari sa mga kinauukulan partikular sa media.

Ayon sa natanggap na report, naganap ang pagtagas ng langis sa karagatan ng Subic dakong alas-11:30 ng gabi noong Biyernes mula sa barkong M/V Kyle na pinamumunuan ng kapitan nito na nakilalang si Francisco E. Pasa habang ito ay nakadaong sa Pol Pier Station 1 ng Alava Pier.

Habang pinupuno ng langis ang tanker ng naturang foreign vessel habang ito ay nakadaong nang ‘di mapansin ng mga nagbabantay na napuno ang tanker hanggang sa umapaw kaya doon nagsimulang tumagas ang tone-toneladang langis sa dagat.

Sinasabi pa sa ulat na malaking bahagi ng tubig-dagat sa paligid ng Subic Bay area ang naapektuhan ng "oil spill" at wala pang maipalabas na magkasamang incident report ang Coastal Petroleum at ng barko kaugnay sa nasabing insidente.

Napag-alaman na ayaw ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ng pamunuan ng Coastal Petroleum ang pangyayari at nabatid na isang maliit na incident report lamang ang ipinalabas nito at dito nakasaad na limang litro lamang ng volume ng langis ang tumagas mula sa barko.

Nabatid na nakatakdang umalis ng bansa ang nabanggit na foreign cargo vessel kahapon ganap na alas-10 ng umaga na walang linaw kung ito ay isasailalim sa "hold" order ng SBMA upang papanagutin sa insidente.

Ayon sa batas ng ecological department ng SBMA, may kaukulang parusa na US$10, 000 bilang bayad perwisyo sa anumang uri ng barko ito man ay foreign o lokal na mapapatunayang nagkalat ng langis na sakop ng Subic. (Jeff Tombado)

ALAVA PIER

AYON

COASTAL PETROLEUM

FRANCISCO E

HABANG

JEFF TOMBADO

PHILIPPINE COASTAL

POL PIER STATION

STORAGE PIPELINE INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with