^

Probinsiya

Bulacan massacre: 5 patay

-
CAMP CRAME — Lima-katao kabilang na ang mag-amang negosyante ang iniulat na pinaslang, habang nawawala pa ang dalawang kasambahay makaraang ratratin ang mga biktima sa isang poultry farm sa Barangay Pinaod sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa napatay na mga biktima ay kinilalang sina Ricardo Valmocina, 51, negosyante; anak nitong si Roel Joseph, 16 at tatlong caretaker ng farm na sina Melchor Cardinal, 24; Michael Milanay, 19 at isang tinukoy lamang sa pangalang Jojo, 23-anyos.

Nawawala naman sina Renante Valmocina at isang alyas Robin na pinaniniwalaang tinangay ng mga armadong kalalakihan sa pagtakas.

Sa ulat ng Bulacan police provincial office, bandang alas-9 ng gabi nang pasukin ng 10 hanggang 15-maskaradong kalalakihan ang Tamayo’s compound na pag-aari ng pamilya Valmocina na kinaroroonan din ng poultry farm.

Pinagbalingan ang bahay ng pamilya Valmocina at nilimas ang mahahalagang gamit tulad ng alahas at malaking halaga na nasa loob ng drawer matapos na wasakin ang kabinet.

Tinangka naman ng negosyanteng si Ricardo na pigilan, habang kinuha naman ni Roel ang kanilang riple para lumaban, subalit nagalit ang ilang armadong kalalakihang maskarado at pinagbabaril ang mag-ama.

Nagawang matangay ang P.1-milyong halaga ng mga alahas, P 10,000 cash at apat na celfone ng pamilya Valmocina.

Hindi pa nakuntento ay pinagbabaril din ang tatlong katiwala na tulad ng mag-ama ay pawang duguang bumulagta rin at bago tuluyang nagsitakas ay pinagbabaril naman ang kulay berdeng Nissan Sentra na may plakang UAT-530 na pag-aari ng pamilya Valmocina.

Narekober sa crime scene ang 25 basyo ng bala ng M16 rifle, dalawang basyo ng M14 rifle, isang basyo ng cal. 30 carbine rifle at iba pang uri ng baril.

Kasalukuyang sinisilip ang anggulong kalaban sa negosyo ng pamilyang Valmocina, habang inaalam kung nasaan ang dalawa pang nawawala. (Joy Cantos at Efren Alcantara, may dagdag ulat ni Boy S. Cruz)

vuukle comment

BARANGAY PINAOD

BOY S

BULACAN

EFREN ALCANTARA

JOY CANTOS

MELCHOR CARDINAL

MICHAEL MILANAY

NISSAN SENTRA

RENANTE VALMOCINA

VALMOCINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with