^

Probinsiya

Pabuya vs killers ng dalaga sa Cavite, umakyat sa P800K

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pumalo na sa P800,000 ang halagang nakalaan sa ulo ng suspek na pumatay sa isang 25-anyos na dalagang psychometrician sa Dasmariñas City.

Bagama’t tukoy na ng pulisya ang pagkatao ng suspek, hindi muna ibinulgar ang pangalan nito para sa patuloy na manhunt operation na isinasagawa ng kapulisan.

Nagbigay ng P500K pabuya si Sen. Raffy Tulfo para sa karagdagang P300-K na nauna ng inilaan nina Congresswoman Jenny Barzaga at Dasmarinas City Mayor Third Barzaga.

Matatandaan na Nob­yembre 8, 2026, alas-8 ng gabi nang matagpuan ang wala nang buhay na biktimang si Janeen Kay Camarce, nagtapos sa De La Salle Dasmariñas at isa nang registered license psychometrician, sa ilalim ng tulay ng isang pribadong subdivision sa Brgy. San Agustin 1, Dasmarinas City.

Inilabas na rin ang larawan ng suspek at ilang impormasyon sa pagkatao nito. Sa pagsisiyasat ng pulisya, isang on call construction worker ang suspek sa insidente.

Lumalabas na nang maganap ang krimen ay wala umanong trabaho at pagala-gala lamang ang suspek.

Pinalayas din umano ang suspek ng kapatid nito dahil sa ginawang pangboboso nito sa sariling pamangkin.

DASMARIñAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with