Lady photographer kinidnap
January 27, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang 21- anyos na babaeng photographer ng Kodak sa Santiago City, Isabela, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang biktima na si Ronalyn Bisares, ng MCU Kodak Developing Center na nakabase sa New Public Market, Centro East ng nasabing lungsod.
Batay sa report ng Police Regional Office (PRO) 2, naganap ang pagdukot sa biktima malapit sa kanilang tahanan sa Diamond St., Plaridel Height Subdivision, Brgy. Plaridel ng nabanggit na siyudad bandang alas-8:20 ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon, papasok ang biktima sa naturang developing center at sumakay ng kulay berdeng tricycle kung saan ang mga suspek ay nagpanggap na driver at pasahero.
Sa halip na ihatid sa trabaho ang biktima ay biglang idineretso ang tricycle ng mga suspek sa Brgy. Patul, Santiago City. Nang magawi ang mga ito malapit sa isang irrigation canal ay tinutukan ng baril ang biktima at saka tinangay. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest