15 vintage bomb isinuko
November 20, 2005 | 12:00am
CAVITE Dahil sa takot na matulad sa kanilang kasamahan na nasawi makaraang masabugan ng bomba, may 15 pang vintage bomb ang isinuko ng ilang residente at mangingisda ng Rosario, Cavite na napulot ng mga ito at itinago sa kani-kanilang bahay sa bayan ng Rosario.
Sunud-sunod na isinurender ng mga residente dito ang naglalakihang mga vintage bomb sa himpilan ng pulisya na ang iba ay galing pa sa mga junkshop. Pawang mula sa Brgy. Ligtong at Wawa 3 ang nagsuko ng mga nasabing bomba na kanila umanong napulot sa pangingisda.
Malamang ay dahil na rin sa takot na matulad ang mga ito sa nangyari sa kanilang tatlong kasamahan na nasabugan ng vintage bomb kamakalawa ng umaga matapos na kalikutin ito at kunin ang pulbura nito upang magamit sa paggawa ng mga dinamita na gagamitin nila sa kanilang pangingisda.
Matatandaan na lasog ang mga katawan at halos hindi na makilala ang tatlong mangingisda matapos na masabugan ng bomba na may tatlong talampakan matapos na makuha sa dagat habang sila ay nangingisda.
Samantala, narekober na ng pulisya ang ilang bahagi ng nawawalang katawan ng dalawa sa mga biktima na sina Benedicto Peñaflor na walang ulo at ilang bahagi ng katawan nito na nakuha ng mga residente sa pagitan ng Tanza at Barangay Wawa 1 river samantalang sa Sapa 2 ay nakita ang mga bahagi ng katawan ni Ricardo Mengollo.
Kaugnay nito, patuloy pa ring nananawagan sina Mayor Renato Abutan at Vice- Mayor Jhing-Jhing Hernandez sa iba pang nag-iingat ng mga vintage bomb na isurender na ito kasabay ng panawagang tigilan na ang pagsisid sa ilalim ng dagat dahil posibleng mangyari na buhay ang maging kapalit gaya nang nangyari sa tatlong biktima,
Nagbaba na rin ng kautusan ang pulisya at pamahalaang lokal na aarestuhin ang sinumang nag-iingat ng mga vintage bomb at maging ang junkshop na bibili nito dahil sa matinding panganib na dulot nito. (Cristina Go Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest